Kasili ang local name nito. Unagi naman sa Japan. Kiwet at Igat sa Ilocano. Eel sa Ingles. at hindi ko na alam sa ibang lenggwahe. Bakit nga ba nagustuhan ng napakaarteng tulad ko ang ganitong klase ng ulam? Aha! Ito ay anyong ahas kaya maraming may ayaw at hindi kumakain nito. Kadiri daw eh! Hindi nga sila naniniwala na kumakain ako ng ganitong klase ng ulam eh. Ako man, hindi ko alam kung paano nila ako napakain ngunit sa unang tikim palang ay nakuha na nito ang aking panlasa. Lahat ng klase ng luto ng hito ay gusto ko. Ngunit pinakagusto ko pa rin ang kinalamansihang luto nito. Ang sabaw nito ay nakakalimot ng problema lalo na kung ito ay napakaasim. hmm! yumyumyummy!
Paano nga ba lutuin ito? Una, tulad ng isang karaniwang isda, linisin ito pero hindi kaliskisan. Hindi ko na ipapaliwanag kung paano ito linilinisan. ilulutuan ko nalang kayo. Pangalawa, hiwain ito ng pira-piraso upang mas mabilis itong maluto at para na din mahusay ang pagkakaluto ng looban nito at masyado rin kase itong mahaba. Ayan, dapat ihanda na ang mga sangkap. Lagyan ito ng tubig na tama lang para sa sukat ng kasiling nailagay, katulad lang yan ng paglalagay ng tubig sa pancit canton (meganon?). Tantya lang. Lagyan na ito ng bawang at Luya. Sunod, antayin na itong kumulo hanggang sa ito ay lumambot (oh diba parang pancit canton?) kapag sa tingin mo ay malapit na itong maluto, lagyan na ito ng asin at kalamansi. Tapos, tapos na.
Hindi lamang ito masarap.Marami pa itong health benefits. Kaya panalo talaga. Ang kalisi ay hindi nagtataglay ng asukal at ito ay mababa sa sodium at mataas sa Phosphorus. Napakayaman nito sa Vitamin A, B1, B2, B12, D & E, na kailangan para sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan. Nagmamay-ari ito ng substansiya na pinakamainam para sa pagrerejuvinate ng ating katawan tuwing summer. Nagpapakaunti ito ng kolesterol, nakakapagpababa ng blood pressure, at nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ng arthritis. Nagtataguyod ito ng mapagmasid na paningin o good eyesight, normal o karaniwang brain development at nervous system function. Batay sa masusing pagsasaliksik, ang kasili ay mahalaga sa pagbabawas ng tsansang magtaglay ng type-2 diabetes. Sapagkat ito ay mataas sa paglalaman ng omega-3, ang mataas na pag in-take ng kasili (anumang luto) ay nakakapagpabagal ng pagdevelop ng diabetes in glucose intolerant individual. Bilang pagpapatunay maaari niyo itong isearch sa www.google.com (health benefits of eel). http://lifestyle.iloveindia.com/lounge/health-benefits-of-eel-7423.html
Ngunit, pana-panahon lang ang pagkakaroon ng kasili. Ngayon nga ay kapanahunan nito sa aming probinsiya. Sana lang ay may maabutan pa ako sa aking pag-uwi sa Disyembre. :) Ang sarap sarap kaya kasee! Try mo!

No comments:
Post a Comment